I HATE MY JOB.
Capslock para intense.
Sa mga hindi nakakilala sa akin, akoy isang financial advisor. Pano ba ako nagsimula dito sa trabaho ko.
It was 2014 when someone on instagram, a stranger, sent a message and asked me if familiar ba daw ako kay Sunlife. Sabi ko YES and she set an appointment kaya ngmeet kami sa Makati. Kasama nya yung manager nya nun time na yun and yes kumuha ako ng insurance dahil kay papa P. Sobra fan tlga ako ni Piolo Pascual, sya yung dahilan bakit ako insured at bakit ako nasa Sunlife.
Two years later, in January 2017 my husband got diagnosed with Chronic Kidney disease. Kailangn na nya agad agad I dialysis kasi both his kidneys puti na at hindi na tlga gumagana and need nya din ng kidney transplant. Naikwento ko yung nangyari samin sa advisor ko at pinaalala nya na mayron daw ako Critical Illness Benefit sa policy ng husband ko. Sabi ko pa,ano yun? Hindi ko na talaga maalala mga benefits ko sa insurance. Basta bayad lang kami ng bayad ganyan. Pinagsubmit nya ako ng medical abstract at mga lab results kasi ipapasa daw namin para makakuha ng claim for the Critical Illness Benefit. 10days later around 9pm, boooom, I received a viber mesage from my advisor yung copy ng cheke namin dalawa for hospital income benefit at sa critical illness. Hindi ko talaga sya iniiexpect that day. Sobra saya namin dalawa mag asawa, nasa bahay na kami noon kakauwi nya lang after ma kidney transplant.
Yun ang maganda sa kwento ko, pero ano yung narealize ko during that lowest moment of my life? I remember from January to March nasa hospital kami lagi, naconfine din asawa ko ng matagal. Marami tawag at text ako araw araw na natatanggap. Puros sana gumaling na asawa mo puros ganun. Alam mo maniwala kayo sa hindi, darating yung point na mag eexpect ka na may mag aabot sayo ng pinansyal. Pero kakaunti. Nakakahiya man sabihin pero nanlilimos na ako sa mga kaibigan ng asawa ko para sa pandagdag sa mga bayarin. Wala ka tlga aasahan kundi ang sarili mo lang. Maswerte kami kasi tumulong ang magulang ng husband ko kasi mayron sila kaya.
So paano ako naging advisor? Bigla ko lang naisip na papaano nalang yung iba pamilya na nakakaranas ng matinding dagok sa buhay. Papaano kung hindi sapat ang naitabi nila pera, paano nalang kung walang wala tlga sila. Ano yun intayin nalang nila mamatay sila? Yan yung mga tanong na naglalaro sa utak ko. Gusto ko talaga tumulong sa mga tao, lalo na sa mga kaibigan at malalapit sa akin buhay. Kahit sino ka pa. Bakit? Kasi naranasan ko ka mawalan ng pera, narananas ko na din manghingi, naranasan ko madisappoint at mabwisit sa sarili ko kasi iniisip ko mayron tao mag sesave sa akin in case of emergency pero wala pala. Maswerte ka kung meron.
Ngayon advisor na ako.
I hate it sa mga panahon na mapapaisip ka kung ginawa mo ba ng tama ang trabaho mo.
Yung mga panahon na need mo kausapin mga kliyente mo kasi lapsed na policy nila. Need mo ipaalala sa kanila bakit sila kumuha in the first place.
Yung mga panahon na wala ka magawa kasi wala na talaga.
Yung paulit ulit mo sasabihin na malapit na maglapsed ang policy nila. Tapos seen zone ka na nila. Hindi ka rereplyan sa text or hindi sasagutin mga tawag mo.
Yung mga kaibigan mo nilapitan at tatanungin ka pa kung magkano ang Cut mo.
Yung mga makikita mo ang tunay na pagkatao nila kasi sasabihin sayo, ayoko nyan insurance, wala n ko pakialam sa kanila kasi patay na ko nun eh. So bakit ko pa paghahandaan.
Yung mapapailing ka nalang at tatanungin mo sarili mo, bakit ko ba to kaibigan.
Most of my clients are strangers. Pailan ilan lang yung mga kaibigan ko. Totoo naman kasi tlaga sa ugali ng mga pinoy feeling nila peperahan ka ng mga ngooffer sayo, kahit pa ano business pa yan. Hoy! Kung milyon milyon binayad mo saka ka magisip ng ganyan.
Kami po mga financial advisor ay may mga lisensya kaya mayron po kami professional fee. Mga professional po kami lahat. Pero libre po kung kakausapin at may mga katanungan kayo. Wag naman yun feeling na binili nyo kami. Kami ay andito para makinig at mag advice ano ang dapat ibigay na swak sa needs nyo.
Sa mga nagsasabi wala ako budget, mahal yan etc. Alam mo kung hindi mo afford ngayon, wala kang karapatan mag kasakit, wla kang karapatan maaksidente or worst wala ka karapatan ma tegi. Inunahan mo agad sa utak mo na mahal , eh 1k mo meron na mapupuntahan dito. Wag ka maging pabigat sa pamilya mo. Yes, ikaw kausap ko.
Kung may lumapit at may kumausap sayo na financial advisor, kung wala ka naman ka ide idea kausapin mo naman. Malay mo sya pa sasagip sa future mo.
Sa mga kliyente ko, sobra akoy natutuwa at nagagalak kasi mahal nyo pamilya nyo.
Sa mga gusto ng impormasyon, libre po magtanong. Kung may mga kaibigan or kilala kayo Financial advisor, mgtanong kayo. Knowledge is power.
Mahal ko po ang trabaho ko. ^^
Credits to Pebbles Barroa
Latest posts by Raymund Camat (see all)
- How To Become A Sun Life Financial Advisor - December 19, 2021
- Importance of Emergency Fund During a Pandemic (COVID-19) - March 18, 2020
- The Importance of Having an Emergency Fund - September 8, 2019
- Whole Life Critical Illness Insurance Plan – 100 Critical Illnesses Covered Up To Age 100 - September 8, 2019
- Benefits of Having a Life Insurance Plan with Investment - September 8, 2019
Leave a Reply